Dear Dr. Love,
Nagpupugay ako sa iyo at sa lahat ng sumusuÂbaybay sa iyong malaganap na column. Kinapupulutan ko po ito ng mga gintong aral sa buhay pero hindi ko sukat akalain na isa ako sa mga susulat sa iyo para humingi ng word of advice.
Pakitago n’yo na lang ako sa pangalang Elisa, 43 anyos at isa pang dalaga.
Ako po ay saradong Katoliko at natatakot lumabag sa utos ng Diyos. Pero sa totoo lang, may nararamÂdaman akong kakaiba sa sarili ko.
Kaya umabot ako sa edad na ito nang ‘di nag-aasawa ay sapagkat ayaw ko sa lalaki dahil babae ang gusto ko.
Wala ni isa sa mga kapamilya ko ang nagsususpetsang tomboy ako. Katunayan, maganda raw ako at marami ang nanligaw noong bata pa ako.
Matagal ko nang idinarasal na sana’y mawala ang damdamin kong lalaki pero hindi dinidinig ng Diyos ang aking panalangin.
Nananangan na lang ako sa kanyang salita kaya kahit nagkakagusto ako sa babae ay hindi ko pinababayaang mahulog ako sa tukso.
Ano ang gagawin ko para mawala ang damdaÂming lalaki sa akin? Sana ay mabigyan mo ako ng payo.
Elisa
Dear Elisa,
Hindi kasalanan ang matukso. Ang tukso ay nagiÂging kasalanan lang kapag nahulog ka roon.
Tao kang may damdamin kaya natural lamang na makadama ka ng lahat ng uri ng emosyon. Lahat ay dumaranas ng tukso lalaki man o babae, bakla o tomboy. Diyan sinusubok ng Diyos kung gaano tayo katibay sa pananampalataya.
Kahit ang Panginoong Jesus ay tinukso pero ang sandata lamang niya ay ang Salita ng Diyos.
Iyan din ang gamitin mong sandata sa pakikibaka sa pita ng iyong laman. Kaya kung lilimiin mo ang SaliÂta ng Diyos, magkakaroon ka ng sapat na lakas mula sa Kanya para malampasan ang ano mang pangÂhihikayat ng diablo na gumawa ka ng kasalanan.
Dr. Love