In Love sa T-bird

Dear Dr. Love,

Lagi po akong nagbabasa ng column n’yo! Natutuwa po ako at marami kayong napa­payuhan.

Itago n’yo na lang po ako sa pangalang Chantal, 3rd year college na po ako sa pasukan at 19 years old.

Sa isang pribado po akong collegio nag-aaral at sa pag-aaral ko, mayron akong professor na babae at ‘di katagalan ay naging kaibigan ko. Nakapalagayan ko po siya ng loob.

Dalawang semestre ko po siya naging pro­fessor. At alam ko pong lesbian siya! Unti- unti pong nahulog ang loob ko sa kanya at alam ko rin naman na may gusto siya sa’kin.

Parehas po kami na denial sa nararam­daman, walang umaamin sa amin. Sobrang bait n’ya po sa’kin lalo noong PE days na­ming. ‘Di niya  po ako pinapahirapan. Alam ko pong mali ito kaso po hindi ko s’ya makalimutan. Tulungan n’yo po sana ko kung pa’no s’ya kalilimutan.

Chantal

Dear Chantal,

Alam mo palang mali eh, ‘di iwaksi mo siya sa isip mo.

Sabi mo malapit lang kayo sa isa’t isa at walang nagtatapat ng damdamin. Kung gayon, bakit mo nasabing kapwa kayo may nadarama sa isa’t isa pero ayaw aminin?

Baka napagkakamalan mo lang ang ka­baitan niya sa iyo. Unang-una, ang babae ay nilikha para sa lalaki at ang lalaki ay para sa babae.

Hindi puwede ‘yung magkakaroon ng romantic affair ang dalawa na pareho ang kasarian. Puwedeng gawin pero labag sa ka­utusan ng Diyos iyan.

Dr. Love

Show comments