Closet queen

Dear Dr. Love,

A warm greeting to you at sa milyon mong mga mambabasa.

Ako po si Tony. Huwag mo nang ilathala ang buo kong pangalan. Ako po ay 17-anyos na.

Mula nang tumuntong ako sa high school ay nagkaroon ako ng kakaibang damdamin. Nagkakaroon ako ng crush sa kapwa ko lalaki.

Pero sa totoo lang, guwapo po ako at walang nakakaalam ng damdamin ko. Marami ngang may crush sa akin at mayroon din akong girlfriend ngayon.

Abnormal po ba ang nararamdaman ko? Mahal ko rin naman ang girlfriend ko pero hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang nadarama ko.

May gamot po ba para mawala ang ganitong damdamin ko sa aking kapwa lalaki?

Tony

Dear Tony,

May girlfriend ka kamo at mahal mo. Focus your attention to her at ganoon din sa pana­nalangin sa Diyos para ma-deliver ka sa ganyang nadarama mo.

Marami akong kakilala na bading through and through pero nabago dahil sa Salita ng Diyos. Read the Bible and meditate on it.

The fact that nadarama mong mali ang damdamin mo ay nagpapatunay na gusto mong magbago.

God is the only solution. I will pray for you.

Dr. Love

Show comments