2 anak, 2 ama

Dear Dr. Love,

Sa nakalipas na limang taon ay masugid akong sumusubaybay sa iyong malaganap na column. Nawa’y datnan kayo ng aking sulat na nasa mabuting kalusugan.

Tawagin n’yo na lang akong Mica, single mother ng dalawang anak na dalawa rin ang ama.

Aaminin kong ako’y mahina pagdating sa pag-ibig. Dalawang lalaki ang minahal ko nang labis at nakaangkin sa akin at ako’y naanakan pero pareho silang nawala sa buhay ko.

Diring-diri na ako sa aking sarili dahil pakiramdam ko’y nakamasid sa akin ang buong mundo at ako’y inuusig sa aking pagiging “masamang babae.”

May mga manliligaw ako. Sa gulang kong 26 ay attractive kasi ako. Kasi ako’y nag-aalin­langan nang umibig kahit may isa akong napupusuan sa mga manliligaw ko.

Natatakot ako. Baka magkaroon lang ng replay ang mga madidilim kong karanasan.

Dapat pa ba akong umibig muli?

Mica

Dear Mica,

Karapatan ng bawat tao ang umibig. Ano man ang mapait na karanasan, ito’y dapat isa­isantabi at harapin ang bagong bukas.

Pero dapat, sa mga mapapait nating kara­nasan ay may natutuhan tayong aral. Ikaw ba’y natuto na?

Puwedeng umibig, bakit hindi? Pero gamitin mo na ang iyong rason at hindi lamang corazon.

Nasa sa’yo lang naman kung pababayaan mong maulit ang iyong masaklap na karanasan.

Dr. Love

 

Show comments