Dear Dr. Love,
Hi Sir. Bumabati ako sa iyo ng pinagpalang araw.
Tawagin mo na lang akong Lorie, 25-anyos at mayroon akong live-in partner. Tawagin mo na lang siyang Marty.
Mahilig akong mag-alaga at mag-breed ng pusa. Mayroon akong Siamese, Persian at local na mga pusa sa aking bahay.
Ewan ko ba kung bakit nakahiligan ko ang pag-aalaga ng mga ito. Para kasing gumagaan ang pakiramdam ko kapag kinakalong ko at hinihimas ang mga pusa.
Noong dalawa lang ang alaga ko ay wala akong problema. Nagkaproblema lang nang sinabihan ako ni Marty na ipamigay kong lahat ang mga ito. Hindi raw mabuti ito sa aming kalusugan.
Nang ayaw ko, nagbanta siyang hihiwaÂlayan niya ako. Kaya hindi ko alam ang gagawin ko dahil mahal ko rin ang aking mga alagang pusa. Sino ang pipiliin ko, pusa o ang boyfriend ko?
Lorie
Dear Lorie,
I have never been in favor of live-in. Ang pagsasama ng lalaki at babae ay dapat ipinagÂbuklod ng kasal.
Kaya may pusa o wala, hiwalayan mo siya kung hindi ninyo kayang magpakasal.
Iyan lamang Lorie at hindi ko na pakakahabaan ang advice ko sa iyo. Nasa sa iyo na lang kung susunod ka sa payo o hindi.
Dr. Love