Dear Dr. Love,
Greetings to you. Tawagin mo na lang akong Greg. Siguro matatawa ka kung sabihin kong sa edad na 30-anyos ay estudyante pa ako na kumumukha ng accountancy.
May asawa na po ako at 2 anak, at ang misis ko ay isang teller sa bangko. Masyadong na-delay ang pag-aaral ko dahil kinakailangan kong magtrabaho nang mag-asawa ako. Ang edad ko ay 20-anyos pa lang nang mag-asawa kaya medyo natigil sa pag-aaral. Pero ayaw ko namang maging undergrad dahil tapos ng college ang misis ko.
Ang problema ko ay may ibang babae akong napupusuan sa pinapasukan kong opisina at may gusto rin siya sa akin.
Pinipigilan ko ang sarili ko dahil sayang ang pagsasama naming mag-asawa na nagdaan sa hirap at ginhawa.
Ano po ang dapat kong gawin para mabura sa isip ko ang kabaliwang ito?
Greg
Dear Greg,
Kung masyadong matindi ang attraction mo sa kanya mabuti siguro ay humanap ka ng ibang trabaho para magkalayo kayo. Pero medyo mahirap iyan.
Kaya isipin mo na lang ang sampung taong matibay ninyong pagsasama ng iyong asawa sa piling ng inyong dalawang anak.
Hindi pag-ibig ang nadarama mo kundi pita lamang ng laman kaya sikapin mong maiwaksi sa iyong isip.
Kung ngayon ka pa magluluko, masasayang lang ang mga pinaghirapan ninyong mag-asawa at ang kawawa ay ang inyong mga anak.
Dr. Love