Dear Dr. Love,
Tawagin mo na lang akong Romey, 29-anyos at wala pang asawa.
Ramdam ko kasi’y hindi pa dumarating ang babaeng magpapatibok sa aking puso. Marami akong pinalampas na pagkakataon. Nakakilala ako ng mga babaeng maganda na at may kaya pa. Ni-hindi ko sila sinamantala kahit nagpapaÂkita ng motibo.
Konserbatibo kasi ang pananaw ko sa pag-ibig. Kung init ng katawan lang ang hangad mo sa babae ay kalimutan mo na lang.
Hanggang sa dumating sa buhay ko si Emma, 20-anyos. Ordinaryo ang ganda niya pero naramÂdaman ko for the first time ang pag-ibig na matagal ko nang hindi nadarama simula nang makiÂpag-break ako sa una kong nobya matapos na malaman kong may iba siyang kasintahan.
May dalawang buwan ko nang nililigawan si Emma pero kaibigan lang daw ang turing niya sa akin. Wala pa rin siyang boyfriend ayon sa kanya.
Bakit ganun? Kung kailan ko natagpuan ang mamahalin ko, ayaw naman sa akin. Ano ang gagawin ko?
Romey
Dear Romey,
Dalawang buwan pa lang sumusuko ka na? Alam mo, may mga konserbatibo ring babae tulad ng pagiging makaluma mo. Malay mo sinusubukan ka lang niya kung hanggang saan ka tatagal.
Alam mo mapalad ang mga lalaking nakukuha ang isang hard to get dahil ang ganyang babae ay dala-dala pa rin ang sinaunang kultura na may pagpapahalaga sa kahinhinan at kabutihang asal.
Tuloy mo lang ang panliligaw at paÂsaÂsaan ba iyan at sasagutin ka rin ng oo.
Dr. Love