Dear Dr. Love,
Kapwa retirado na kami ng aking asawa, 60 siya at ako naman ay 65-anyos. Ang problema ko ay gusto pang magpatuloy ng aking asawa. Isa siyang manunulat sa magazine, magaan naman po ang trabaho niya dahil lingguhan lang ang paglalathala. Ang inaÂayawan ko lang po ay ang arawang pagbabiyahe niya.
Gusto ko po sana siyang patigilin na lang sa bahay para may kasama naman ako sa panonood ng TV, may makukwentuhan at kasama na mangarap ng gising. Ang sabi niya, sayang naman ang kaunting kikitain niya, na pandagdag din sa savings namin para sa balak na US at European tour.
Nanghinawa na lang po ako sa kakaÂalma sa kanyang pagko-commute, Bulacan pa naman ang nakuha naming house and lot. Iminungkahi ko po na mag-bed space na lang siya, na pinagsisisihan ko dahil tatlong araw siyang hindi uuwi sa aming bahay. HinaÂhanap-hanap ko rin po ang mga niluluto niyang paborito ko.
Dahil sa pagkabagot ay naisipan kong ayunan ang offer ng dati kong kaklase na magsosyo sa pagtatayo ng land survey office para sa mga pribadong lupain. Lalong nawalan kami ng oras na mag-asawa dahil kailangan ko na rin magbiyahe para makapag-survey ng mga lupa sa iba’t ibang probinÂsiya. Para na kaming istranghero sa isa’t isa.
Nakaraos na kami sa pagtataguyod sa tatlo naming mga anak na may kani-kaniya ng buhay ngayon. Hindi ko po ma-gets kung ano pa ang gustong patunayan ng asawa ko. Tuloy wala rin akong balak huminto sa pagtratrabaho dahil nakakahiya naman na mas pursigido ang babae sa paghahanap-buhay. Pagpayuhan po ninyo ako, Dr. Love.
Gumagalang,
Melanio
Dear Melanio,
Marahil sadyang likas sa misis mo ang kasipagan, isang positibong katangian ng isang maybahay. Sikapin mo lang na maÂunawaan siya sa kanyang passion, na puro magaganda naman ang layunin. Dahil darating din ang pagkakataon na siya mismo ang kusang magla-lay low sa paghahanap-buhay at hahanap sa pagkakataon na magÂkaÂsama ka.
Makakabuti rin sa iyo ang magkakaroon ng pagkakaabalahan para hindi ka maÂkaÂÂÂraÂmÂÂdam ng pag-iisa at pagkabagot.
DR. LOVE