Naiinip na si Dulce

Dear Dr. Love,

Hello po sa inyo at mga tagasubaybay ng malaganap ninyong love column.

Tawagin mo na lang akong Dulce, 16-anyos­  at heto po ang love problem ko. Meron po akong crush sa school pero hindi ako pansin.

Mayroon akong close friend na kakilala niya kaya ipinakilala ako. Simula noon ay nagkalapit kami ng crush ko. Tawagin mo na lang siyang Dom.

Pero limang buwan na kaming mag-friends, wala akong nakikitang may gusto rin siya sa akin.

Lagi lang niyang sinasabi na favorite friend niya ako. Kung minsan ay natutukso ako na ako na ang manligaw sa kanya.

Tama po ba ito? Hindi pa ako nagkaka-boyfriend at first time ko talaga na magmahal ng ganito. Ano po ang dapat kong gawin?

Dulce

Dear Dulce,

Hindi mainam para sa isang babaeng katulad mo na magpakita man lang ng motibo sa lalaki. Mawawalan ng paggalang sa iyo ang lalaki at baka samantalahin lamang ang pagiging madly in-love mo.

Just stay as friend at maghintay ka. Kung wala kang maaasahan ay hayaan mo na lang na manatili ang pagkakaibigan ninyo at mag­hintay ng ibang manliligaw.

Tawagin man akong old-fashioned, para sa akin, ang babae ay hindi dapat manligaw sa lalaki dahil ito’y hindi disenteng tingnan.

Dr. Love

Show comments