Dear Dr. Love,
Naniniwala po ba kayo sa salitang “tadhana�
Itago n’yo na lang po ako sa pangalang “SADâ€, babae, nasa ikalawang taon ng kolehiyo, 18 taong gulang at sa edad ko pong ito, meron na po akong boyfriend.
Mahigit 2 taon na po ang aming relasyon at masasabi kong sobrang mahal ko siya. Siya ‘yong lalaking gusto kong makasama sa aking pagtanda. Strict po ang parents ko pagdating sa relationship kaya no’ng sumama sa pagtatanan ang ate ko sa isang lalaki na may dalawang anak, halos itakwil na nila ito at ganun din ako. Halos itakwil ko na ang ate ko sa sobrang sama ng loob ko…ngayon ko lang po na-realize na mali ang ginawa ko kasi ngaÂyon, masasabi ko na nararanasan ko kung ano ‘yung pinagdaraanan niya.
Noong Nov. 27, 2010, inamin sa akin ng boyfriend ko na may anak siya sa ibang babae, sobrang sakit po no’n para sa akin pero tinanggap ko kasi mahal ko siya. NaiintinÂdihan ko naman ang pangangailangan niya bilang lalaki. Tapos ngayon, sinabi niya sa akin na may anak ulit siya sa ibang babae, 4 months na po ‘yung bata ngayon.
Sa tingin n’yo po, ano ang dapat kong gawin? Kailangan ko na po ba siyang i-give-up o sumunod na lang sa agos ng buhay na tinatawag na tadhana? Mahal ko po siya pero mahal ko rin ang magulang ko. Payuhan n’yo po ako.
SAD
Dear SAD,
How sad naman ng love story mo. Ang masasabi ko, huwag kang mabulagan sa nararamdaman mo.
Tinatanong mo ako kung naniniwala ako sa tadhana? Ang sagot ko ay ito, ang ano mang nangyayari sa tao ay bunga ng kanyang mga desisyon, tama man o mali.
Masyado palang palikero ang boyfriend mo. May asawa na tapos may iba pang ina nakan?
Huwag mo nang antayin na isa ka pang maidaragdag sa mga babaeng aanakan niya. Kung ganyang may track record siya sa pamÂbababae, sigurado ay may idaragdag pa siya bukod sa iyo. Ang akin ay payo lang at nasa sayo kung susundin mo.
Dr. Love