Takot mag-isa

Dear Dr. Love,

Isang mainit na pagbati sa iyo at sa lahat ng masugid mong tagasubaybay.

Tawagin mo na lang akong Dina, 42-anyos at isang biyuda. Mayroon akong nag-iisang anak na babae na katatapos lang sa kolehiyo.

Isa lamang akong tindera sa palengke at katu-katulong ko sa pagtitinda ang aking anak at siya ang nagtaguyod sa sarili niyang pag-aaral.

Pero mag-aasawa na siya at magsasarili na silang mag-asawa. Mawawalan ako ng katuwang. Ayaw ko na sanang mag-asawa uli pero hindi ko ma-ima­gine ang sarili ko na nag-iisa. Mayroong masugid na nanliligaw sa akin. Biyudo rin siya at nagtitinda ng karne sa palengke.

Dapat ko na bang tanggapin ang gusto niya na mag-live-in kami?

Dina

Dear Dina,

Huwag kang gagawa ng maselang desisyon gaya ng muling pag-aasawa lalo pa’t mababaw ang iyong dahilan.

Kung wala kang nadaramang pag-ibig at ang tanging dahilan mo sa pag­sama sa lalaki ay dahil takot kang mag-isa, parang maling desisyon iyan.

Ang dahilan ng pag-aasawa ay laging­ dahil sa pag-ibig at hindi for per­sonal convenience.

Isa pa, bakit live-in? Ayaw ka bang pakasalan ng lalaki at ang gusto niya’y walang commitment? Mali yata.

Kaya mag-isip-isip kang mabuti at huwag padalus-dalos sa desisyon nang huwag magsisi sa dakong huli.

Dr. Love

Show comments