Dear Dr. Love,
Hi and hello to you. Tawagin mo na lang akong Kristel, 19-anyos at kumukuha ng computer engineering.
Si Andy ay boyfriend ko simula pa nang kami ay nasa grade six. Hanggang third year high school ay kami pa rin.
Pinagbabawalan nga ako noon ng mommy ko dahil sobrang bata pa raw ako. Napaka-sweet ni Andy kaya mahal na mahal ko siya.
Pero nang kami’y nasa third year na sa high school ay nagpaalam siyang uuwi sa proÂbinsya. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Ni-text ay hindi nagpaparamdam. Three years na ang lumipas at hindi ko na siya nabalitaan. Pero nadarama kong mahal ko pa rin siya.
Lahat ng mga suitors ko ay bina-basted ko dahil umaasa ako na one day ay bigla na lang siyang babalik at susurpresahin ako.
Dapat pa kaya akong umasa Dr. Love?
Kristel
Dear Kristel,
Kahit ang isang taon lang ay napakahaba na kung wala kayong komunikasyon sa isa’t isa. Kaya kung ako ikaw, ituturing ko na lang si Andy na bahagi ng iyong kahapon.
Kahit magbalik siya at may bago ka na ay wala na siyang maisusumbat dahil nagtiyaga kang hintayin siya sa loob ng mahabang panahon.
Mahirap maghintay lalo na kung wala ka palang inaasahan. Kaya ang maipapayo ko sa iyo, move on Kristel.
Dr. Love