May karapatan bang tumutol?

Dear Dr. Love,

Magandang araw sa iyo Dr. Love at sumaiyo ang pagpapala ng Dakilang Maykapal.

Tawagin mo na lang akong Ismael, tatlong taon nang biyudo sa edad na 51.

Hindi sa pagmamalaki ay mayaman ako dahil­ sa negosyo kong junk. Sa negosyong iyan ako nakapamili ng mga lupain sa aming­ pro­binsya at malaki ang aking tahanan sa Bulacan­.

May kanya-kanya na ring buhay ang tatlo kong anak na pawang may asawa na. May ka­sin­tahan ako na kapareho ko na balo. Ta­wagin mo na lang siyang Precy, 47-anyos.

Mahigpit na tumututol ang aking mga anak sa muli kong pag-aasawa.

Sinasabi kong tapos na ang obligasyon ko sa kanila dahil ang sari-sarili nilang mga bahay­ ay ako rin ang nagpagawa. Pinag-aral ko rin sila. May karapatan ba silang tumutol?

Ismael

Dear Ismael,

Karapatan mong mag-asawang muli. Kahit tumutol sila, wala kang magiging­ pag­­ labag kung itutuloy ninyo ang balak n’yong mag­pa­kasal ng iyong kasintahan.

Masyado namang makasarili ang iyong mga anak kung pati sarili mong kaligayahan ay ipagkakait nila.

Marahil iniisip nila na mababawasan sila ng mana kapag nag-asawa ka dahil magka­karoon sila ng kahati.

Sundin mo ang iyong puso.

Dr. Love

Show comments