Problema sa anak

Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo? Matagal na akong avid reader ng malaganap ninyong column at nag­lakas loob na sumulat din sa inyo para humingi ng payo.

Tawagin n’yo na lang akong Milagros, 40 anyos, may asawa at limang anak.

Problema ko po ang anak kong babae na 17 anyos, na sa maagang edad ay nagkaroon ng boyfriend.

Hindi ako tutol makipag-boyfriend ang anak ko pero sana ay sa bahay lang sila nagkikita. Ni minsan hindi ko nakita ang mukha ng lalaki dahil­ may nakapagsabi lang sa akin na ang anak ko at siya ay nagkikita sa labas.

Nang tanungin ko ang anak ko ay umamin siya pero bakit ganyan ang attitude ng mga kaba­taan? Nang sawayin ko siya sa pakikipagtagpo ng lihim sa lalaki ay nagalit siya. Wala raw akong tiwala sa kanya.

Ano po ang dapat kong gawin?

Milagros

Dear Milagros,

Minor de edad pa ang anak mo at talagang dapat mo siyang gabayan at pangaralan.

Kaso tila mayroon na siyang masamang atti­tude­. Baka naman hindi mo ginawa ang poder­ mo bilang ina at nagkulang ka ng disiplina.

Ayaw kong sisihin ka pero habang maaga ay matuto kang magdisiplina ng anak. Huwag mong ipakitang natatakot ka kapag sumasagot siya ng pabalang-balang.

At ano ang ginagawa ng iyong asawa para isuheto ang inyong anak? Pag-usapan ninyong mag-asawa iyan at baka maging dalagang ina ang batang iyan.

Dr. Love

Show comments