Pangakong napako

Dear Dr. Love,

Maalab na pagbati sa iyo kasabay ang dala­nging nasa mabuti kang kalusugan sa pagtanggap ng aking sulat.

Kung maaari lang, ikubli mo ako sa alias na Jen-jen, 26-anyos at dalaga pa.

Mayroon akong boyfriend na nagwo-work sa Italy na nangako sa akin na babalik siya matapos ang dalawang taon para magpa­kasal kami.

Dr. Love, magli-limang taon na siyang hindi umuuwi at ang tanging komunikasyon namin ay sa pamamagitan ng facebook na napa­kadalang pa.

Sa inuugali niya sa akin, nagdududa ako na baka hindi na siya interesadong ituloy ang ipi­nangako niyang kasal.

Paano ko kaya malalaman kung gusto pa niya ako?

Hirap na hirap na ako Dr. Love at gusto kong mag-move on sa buhay ko. Dapat pa ba akong umasa sa kanyang pangako?

Jen-Jen

Dear Jen-jen,

Kung nagkakaugnay pa kayo kahit sa pa­mamagitan lang ng facebook, sabihin mo sa kanya ang iyong pagkadismaya sa inuugali niya.

Tanungin mo siya ng prangkahan kung mahal ka pa niya dahil kung hindi’y mas makabu­buting mag-break na kayo. Kung malabo ang kanyang sagot, ikaw na mismo ang makipag-break imbes na umaasa ka sa wala.

Dr. Love

Show comments