Dear Dr. Love,
Isang masayang pagbati po ang gusto kong ipaabot sa love counselor na pinagkakatiwalaan ng marami. Sana’y datnan kayo ng aking liham na nasa maayos na kalagayan.
Tawagin mo na lang akong Laarni, 39-anyos at isang dalagang ina. Solo kong itinataguyod ang aking 5-anyos na anak, sapul nang hiwaÂlayan ako ng aking ka-live-in na sumama sa ibang babae.
Kung anu-anong negosyo ang pinapasok ko. Namimili ako ng mga laruan sa divisoria at nagtayo ako ng maliit na tindahan sa harap ng bahay namin.
Nahihirapan ako at dahil dito, iniisip ko kung tatanggapin ko ang alok ng isang masugid na manliligaw na si Joe. Mukha naman siyang maÂbait at tapat sa mga sinasabi niya.
Inaalok niya ako na magsama na kami. MayÂroon din siyang negosyo sa palengke at nagtiÂtinda ng mga gulay at wala siyang asawa at anak.
Kung ako ikaw, ano ang desisyon mo?
Laarni
Dear Laarni,
Sa suliranin mo ay ikaw lang ang puwedeng magpasya. Gamitin mo ang talino mo bago tanggapin ang alok niya. PakaÂalamin mo ang tunay niyang ugali at baka muli ay magÂsisi ka sa ikalawang pagkakataon.
Paano kung maanakan ka uli at iwanan?
Hindi ako puwedeng magdesisyon para sa iyo pero ang tanging payo ko ay pag-aralan mong mabuti ang kanyang ugali.
Dr. Love