Dear Dr. Love,
Isang pinagpalang araw sa iyo. Tawagin mo na lang akong Brenda, isang tindera ng isda sa palengke. Sa gulang na 22, biyuda na po ako.
Hindi mo naitatanong ay maaga akong nag-asawa at sa edad kong 18 years old ay naging biktima ng pananaksak ang mister ko. Wala pa kaming anak.
Marami akong manliligaw pero natatakot ako at baka paglaruan lang nila ako. Kasi naman ay puro walang trabaho at istambay ang nanliligaw sa akin.
Dapat pa kaya akong magtiwala sa mga nanliligaw sa akin?
Tulungan mo sana ako.
Brenda
Dear Brenda,
Tayong lahat ay binigyan ng talino at dunong ng Diyos kaya gamitin natin ito lalo na sa pag-evaluate, hindi lamang ng mga manliligaw kundi pati sa mga bagong nakikilala natin.
Kaya walang ibang makatutulong sa iyo sa pagkilala sa mga taong dumaÂrating sa buhay mo kundi ikaw lang. SaÂÂbagay, tama ang ginagawa mong pag-iingat dahil totoong maraming maÂpagÂsamantala sa mundo.
Kaya sa pag-e-entertain ng mga manÂliÂligaw, huwag lang puso ang gagamitin kundi isip.
Dr. Love