Dear Dr. Love,
Pleasant greetings to you. Tawagin mo na lang akong Winnie, 31-anyos. NaÂtuÂringan nga akong may asawa pero parang wala.
Ibig kong sabihin, nagso-solo ako sa pagtataguyod sa aming tatlong anak ng aking mister samantalang siya ay buhay binata.
Isa lang akong karaniwang empleyada sa gobyerno at medyo gumagaan lang ang kabuhayan sa pagsa-sideline ko sa pagbebenta ng mga condominium at bahayÂ.
Walong taon na kaming nagsasama at nasa grade one na ang aming panganay habang nasa kinder at prep ang dalawa. Pati pangangailangan sa bisyo ng aking asawa ay sa akin iniaasa.
Nang mainis ako ay tinigilan ko na ang pagbibigay sa kanya ng pera kaya ako nilayasan. May isang buwan na siyang hindi umuuwi.
Ano ang dapat kong gawin sa ganitong uri ng mister?
Winnie
Dear Winnie,
Hangga’t maaari ay dapat ma-preÂserba ang pagsasama ng mag-asawa dahil sa batas ng Diyos ay sinasabing ang pinagsama Niya ay hindi dapat pagÂhiÂwalayin ng tao.
Kausapin mo siya nang masinsinan at ipaunawa mo sa kanya ang kanyang pagkukulang bilang ama ng tahanan. Kung tutuusin, ang ginagawa mong responÂsibilidad ay siya dapat ang gumagawa.
Sa ilalim ng ating family code, puwede kang mag-file nang marital annulment dahil hindi niya ginagampanan ang kanyang tungkulin sa pagpapamilya. Sa ibang saÂlitaÂ, iresponsable siya.
Mag-usap kayong mabuti at kung hindi na mareremedyuhan ang inyong pagsasama, mas mainam sigurong dumaan na sa proseso ng batas.
Dr. Love