Naghihintay pa rin

Dear Dr. Love,

Mainit na pagbati sa iyo. Tawagin mo na lang akong Glenda, 21-anyos.

Limang taon nang hindi ko nakikita ang aking­ boyfriend na si Roldan at umaasa lang ako na muli niya akong babalikan.

Dalawang taon kaming mag-on nang magpaalam siya sa akin. Magtatrabaho raw siya sa Canada at mag-iipon para sa aming kinabukasan.

Masakit ang loob ko noon dahil mahal na mahal ko siya. Pero buo ang tiwala ko na tutupad siya sa kanyang pangako.

Sa unang isang taon ay sinusulatan niya ako at pinadadalhan pa ng mga roses kapag birthday ko. Nagkakaugnay pa kami at nagcha-chat sa facebook.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan nang pinutol niya ang kanyang komunikasyon sa akin. Bale mag-aapat na taon na kaming walang komunikasyon pero heto ako at naghihintay pa rin. Hindi ko rin kakilala ang kanyang pamilya kaya wala akong mapagtanungan.

Dapat pa ba akong umasa?

Glenda

Dear Glenda,

Sobrang paghihintay na ang limang taon.  Ang hindi ko maintindihan ay matagal kayong may relasyon pero hindi ka ipinakilala sa kanyang mga magulang. Hindi mo tuloy siya matunton ngayon.

Tama na. Panahon na para mag-move-on ka dahil ano man ang dahilan niya sa biglaang pag­lalaho, hindi ka dapat magdusa sa paghi­hintay nang walang katiyakan.

Dr. Love

Show comments