Dear Dr. Love,
Mainit na pagbati sa iyo at sa inyong mga tagaÂsubaybay. Tawagin mo na lang akong RichardÂ, 21-anyos at isa lamang construction worker na walang pirmihang trabaho.
Mababa lang kasi ang aking tinapos. Second year high school. May itsura naman ako at tindig, at sa kasalukuyan mayroon akong girlfriend na isang anak mayaman.
Kapag lumalabas kami, laging siya ang taya dahil alam naman niya ang katayuan ko.
Pero nang ito’y malaman ng kanyang mga magulang ay pinaghigpitan na siya. Kapag puÂmapasok siya sa unibersidad ay lagi na siyang may bantay.
Langit at lupa kasi ang agwat namin at napakasakit nang ginagawang paghihigpit sa kanya ng mga magulang niya.
Ni-cellphone ay ayaw na siyang pagamitin ng mga magulang niya kaya wala na kaming komunikasyon. Ano ang dapat kong gawin?
Richard
Dear Richard,
Puwede mong gawing hamon sa buhay mo ang nangyayari sa iyo. Ayaw ng mga magulang ng kasintahan mo sa iyo dahil mababa ang iyong pinag-aralan at isa lamang consÂtruction worker.
Siguro kung ikaw ang nasa kalagayan ng mga magulang niya, ganun din ang gagawin mo dahil bawat magulang ay hangad sa kanilang mga anak ang magandang kinabukasan.
Bata ka pa Richard kaya sikapin mong maÂÂkatapos ng pag-aaral. Kahit mag-working student ka. Siguro’y medyo matagal ang panaÂhong bubunuin mo pero pasasaan ba at makaÂkaraos ka rin.
Kung hindi mo makatuluyan ang girlfriend mo, marami namang babae riyan. Ang mahaÂlaga, kung sino man ang makakatuluyan mo, dapat bigyan mo ng magandang kinabukasan pati na ang inyong magiging supling.
Dr. Love