Dear Dr. Love,
Magandang araw po sa inyo. Tawagin n’yo na lamang akong Mr. Confused. May kasintahan po ako na nai-date ko na minsan sa motel. Peks man, minsan lang kaÂming nagtalik at hindi na nasundan ‘yun.
Dalawang buwan ko na siyang kasintaÂhan kahit alam kong bukod sa akin ay may iba siyang boyfriends. Ang sa akin naman ay pastime lang.
Pero isang araw ay umiiyak siya na kinausap ako at sinabing buntis siya at ako ang ama. Gusto niyang panagutan ko ang dinadala niya.
Duda ako kung sa akin nga ang dinadala niya dahil balita ko, may dalawa pa siyang boyfriends bukod sa akin. Isa pa, alam kong may nauna nang lalaki sa akin sa kanyang pagkababae.
Hindi ko naman maisumbat ito sa kanya dahil very ungentlemanly. Mapilit siyang paÂkasalan ko siya bago raw malaman ng kanyang mga magulang ang kondisyon niya.
Nalilito ako Dr. Love. Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, ano ang gagawin mo? Please help me.
Mr. Confused
Dear Mr. Confused,
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung ako ang nasa katayuan mo, dahil hindi pa ako nalagay sa ganyang situwasyon.
Pero ikaw lang ang masisisi kung bakit nangyari sa iyo iyan. Ang problema, paano kung talagang sa iyo ang dinadala niya?
Ang pinakamainam ay hintayin mo munang maisilang ang bata at ipa-DNA test mo para makumprima kung sa iyo nga ‘yon o hindi.
Kung sa iyo, talagang obligado kang panagutan ‘yon. Lagay ba naman eh, nagpaÂsarap ka tapos kapag nagbunga ay tatalikod ka sa responsibilidad?
Sana ay nakapulot ka ng aral sa pangyayaring iyan.
Dr. Love