Pangako

Dear Dr. Love,

First of all, hayaan mong bumati muna ako sa iyo at sa lahat ng sumusubaybay sa napaka-popular mong column na Dr. Love.

Ikubli mo ako sa pangalang Haydee at naninirahan sa Canada sa piling ng aking mga magulang. Ako ay 24 years old lang.

Ang problema ko ay tungkol sa boyfriend kong naiwan diyan sa ‘Pinas. Decided na kaming dalawa na magpakasal bago ako magtungo sa Canada kasama ang aking mga magulang.

Nangako akong babalikan ko siya para matupad ang pangarap naming magpa­kasal. Hindi nangyari ‘yon dahil  nakapag-asawa ako dito sa Canada. Isang Canadian ang napangasawa ko at ito’y hindi pa batid ng boyfriend ko.

Nagi-guilty ako ngayon, Dr. Love dahil sa nasira ‘kong pangako. Ano ang gagawin ko?

Haydee

Dear Haydee,

Palagay ko mas maluwag ang dibdib mo ngayon kung nung una pa lang ay sinabi mo na sa boyfriend mo ang sitwasyon at ma­ayos kang nakipag-break sa kanya.

Pero naririyan na iyan at hindi na puwedeng baguhin ang mga pangyayari.

Ang tanging magagawa mo lang ngayon ay makipag-ugnayan sa boyfriend mo at ipag­tapat ang buong katotohanan. Hingin mo ang kapatawaran niya.

Ganyan talaga sa mundo. Maraming ba­gay na inaakala mong mangyayari pero hindi pala.                          

Dr. Love

Show comments