Dear Dr. Love,
Tawagin mo na lang akong Toti, 19 anyos. Gusto kong tanungin kung tama bang ligawan ko ang siyota ng aking kuya?
Hindi ba may kasabihan na “all is fair in love?†Tutal hindi pa naman sila kasal at puwede pang ligawan ang kasintahan ng kapatid ko.
Ang ganda-ganda kasi niya at na-love at first sight ako. Bata siya sa akin ng dalawang buwan lang.
Hindi kami in good terms ng utol ko. Alam mo na, selosan. Naiinggit siya sa akin dahil bilang bunsong anak ay I get the most favors from my parents.
Pero naiisip ko rin na baka lalo siyang magalit. In the last analysis, hindi ba dapat ipaglaban ang pag-ibig?
Nagugulo ang isip ko, Dr. Love. Pagpayuhan mo ako.
Toti
Dear Toti,
Kung ako ikaw ay manliligaw na lang ako ng iba. Hindi bale kung kaibigan mo lang ang tatangkain mong agawan ng nobya. Eh utol mo iyan ah.
Ang lagay ba naman, paborito ka na nga ng mga magulang mo at nakukuha ang lahat ng pabor aagawan mo pa siya?
Kapatid mo pa rin siya kahit may hindi kayo pagkakaintindihan. Bigyan mo naman siya ng pagmamahal. Manligaw ka ng iba. Tiyak ko na maraming mas maganda riyan.
Dr. Love