Ayaw pang magka-baby

Dear Dr. Love,

Hi and hello to you. Tawagin mo na lang akong Raffy, 40 years old and married to a 21 years old girl. Parang nagsisisi ako sa pagpapakasal sa isang malaki ang agwat sa akin. Tatlong taon na kaming kasal at wala pang anak dahil ayaw pa raw niyang magka-baby.

Napakaganda ng misis ko at isang fashion model. Masisira raw ang career niya kung magkakaanak siya. Gusto ko na siyang hiwalayan. May edad na rin kasi ako at ayaw kong tumanda na hindi nagkakaanak.

Ano ang dapat kong gawin?

Raffy

Dear Raffy,

Malas ka at nakapag-asawa ka ng babaeng hindi pa handa sa responsibilidad ng isang may asawa. Daanin mo siya sa diplomasya at ipakita ang pagnanais mong magkaroon na kayo ng anak. Kung hindi madaraan sa diplomasya, maghintay ka pa ng ilang panahon at baka magbago siya. Kung talagang wala ka nang magagawa, kumunsulta ka na sa abogado at ikonsidera ang annulment. Tingin ko’y isang ground iyan para madeklarang walang bisa ang isang kasal.

Dr. Love

Show comments