Senado dapat simulan na impeachment

Vice President Sara Duterte addresses the media at the Office of the Vice President in Mandaluyong City on February 7, 2025, days after the House of Representatives approved her impeachment.
Philstar.com / Martin Ramos

MANILA, Philippines — Dapat simulan nang magpulong ng Senado para pag-usapan at desisyunan ang articles of impeachment na inihain laban kay Vice-President Sara Duterte na naayon sa 1987 Constitution.

Sinabi ni dating Comelec Commissioner Atty. Rene Sarmiento na sa ilalim ng 1987 ­Constitution, ang inihaing verified impeachment ay dapat makakuha ng 306 na boto mula sa mga miyembro ng Kamara na siyang gagawa ng Articles of  impeachment habang ang Senate naman ang magsasagawa ng paglilitis nito.

Paliwanag pa ni Sarmiento, na sa ilalim ng batas dapat ay agad isunod ang paglilitis.

“Maganda po ‘yung Tagalog version ng ­ating Saligang Batas. Ano pong ibig sabihin ng ‘forthwith proceed’? Sa Tagalog version po ay ‘Dapat i-sunod kaagad’. The word is ‘agad’,” ayon pa sa dating commissioner.

Naunan nang sinabi ni Senate President Francis Escudero na legally ang isang impeachment trial ay hindi maaaring gawin kapag naka-break ang kongreso.

Nitong Miyerkules ay nag-adjourned ang kongreso na hindi tinatalakay ang impeachment laban kay Duterte.

Nilinaw naman ni Escudero na dapat makasama sa agenda ng plenary session ang impeachment para umusad na ito.

Show comments