Natagpuang submarine drone sa Masbate, pinatatalupan sa Senado

This photo from the Philippine National Police in Bicol shows an underwater drone with Chinese markings, December 30, 2024.

MANILA, Philippines — Nais ni Senator Francis “TOL” Tolentino na siyasatin sa Senado ang natagpuang submersible drone sa katubigan ng Masbate kamakailan dahil sa potensiyal na seryosong banta nito sa seguridad ng maritime at sa batas ng Pilipinas.

Maghahain si Tolentino ng Senate resolution para sa isang komprehensibong pagsisiyasat sa nadiskubre ng mga mangingisda sa drone sa karagatan ng Brgy. Inawaran sa San Pascual, Masbate.

“This inquiry aims to explore the origins and implications of the drone’s presence in Philippine waters. It is urgent that we understand the drone’s origin and intent,” ayon kay Tolentino.

Ang six-foot drone na pinaniniwalaang Chinese origin at natagpuang palutang-lutang sa dagat ay lumitaw na deactivated. Gawa ito sa PVC atmetal.

Lumabas din sa inisyal na assessments na ang drone ay isang remote-controlled electronic device, na ginagamit sa communication at navigation.

Ayon kay Philippine Navy spokesperson Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, ang kulay ng drone ay may kanya-kanyang purpose.

“Bright colors like yellow, red, or orange are typically used for scientific research or tracking schools of fish. They are designed to be visible from the air,” aniya.

Show comments