Small scale POGO target ng PAOCC sa 2025

A raided POGO hub in Porac, Pampanga on June 24, 2024.
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Target ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa kanilang operasyon sa 2025 ang mga small scale Philippine Offshore Ga­ming Operations (POGO).

Sa panayam sa radio kay PAOCC executive director Undersecretary Gilbert Cruz, sinabi nito na matapos na maipasara ang mga malalaking POGOs sa bansa, may mga manggagawa na bumuo ng kanilang operations sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Aniya, karamihan sa magpapatakbo ng mga small scale POGO ay mga Pilipino na suportado pa rin ng mga foreign nationals.

Paliwanag ni Cruz, kailangan munang dumaan sa profiling ng mga foreign nationals ang mga bibiktimahin bago pinapasa sa mga keyboard workers na umano’y mga Pilipino.

Dagdag pa ni Cruz, nakamonitor na lamang umano ang mga foreign nationals sa kanilang mga Filipino workers na nagsisibling mga keyboard workers dahil kailangan pa rin ang collaboration para magpatakbo ng isang POGO hub.

Samantala, bagama’t imposible ang sinasabi ng ilang LGUs na hindi nila alam na may POGO sa kanilang lugar, sinabi din ni Cruz na naglabas na sila ng advisory na audio visual presentation para sa mga local government units hinggil dito.

Aniya, maaaring ikonsidera ang pagdami ng mga foreign natio­nals, pagdaragdag ng internet connections, maraming food delive­ries at hatid sundo ang mga nasa lugar.

Mas dapat aniyang alerto ang LGU sa pag­­pa­patayo ng mga bagong gusali kung saan dumaraan sa kanila ang building permit.

Show comments