MANILA, Philippines — Hindi makakadalo ang ilang senador sa paglagda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa panukalang P6.352 trilyon national budget para sa 2025.
Ayon kay Sen. Juan Miguel Zubiri, nagkataon na nasa labas siya ng bansa kaya hindi siya makakadalo sa paglagda sa budget.
Pero umaasa si Zubiri na natugunan ng Malacañang ang problema ng Education sector lalo na ang funding para sa computerization ng Department of Education.
Ipinunto rin ni Zubiri ang posibleng paglabag sa Konstitusyon sakaling hindi na ang Education sector ang prayoridad sa ipapasang pambansang pondo.
Maiiwasan aniya ang pagdeklara ng Supreme Court na “unconstitutional” ang national budget kung ang pinakamalaking makakatanggap ng alokasyon ay hindi ang Education sector.
“That would help stave off possible legal action in the Supreme Court which might render a decision declaring the budget unconstitutional and therefore delay its implementation and effectivity,” ani Zubiri.
Sinabi naman ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na hindi rin siya dadalo sa paglagda sa pambansang pondo kahit nasabihan siya ng Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) dahil sa kanyang prior commitment.
Maging si Sen. Sherwin Gatchalian na bagaman at nakatanggap ng imbitasyon ay hindi dadalo sa paglagda sa national budget.
“I received the invitation. Unfortunately, I cannot attend,” ani Gatchlian.