Maulang Pasko sa Metro Manila, Luzon at Visayas

Last-minute shoppers pick out toys for Christmas gifts at Commonwealth Market in Quezon City on December 24, 2024 Christmas Eve.

MANILA, Philippines — Maulan ang pagdaraos ng Pasko ngayong araw sa ibat ibang bahagi ng Luzon partikular sa Metro Manila at Visayas dulot nang amihan at shear line.

Ngayong gabi naman ng kapaskuhan ay makakaranas din ng pag-ulan sa Metro Manila kasama na ang lalawigan ng Aurora, Calabarzon, Bicol, Mimaropa, Eastern Visayas, Aklan, at Capiz at mahinang pag-ulan naman ang mararanasan sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at Central Luzon.

Sa bandang hapon at gabi ngayong Pasko ay kalat-kalat na ulan naman ang mararanasan sa maraming bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa thunderstorms humid easterlies mula sa Pasipiko ay maulan sa Caraga at Davao region.

Wala namang bagyo ang inaasahan na papasok sa bansa ngayong linggo.

Show comments