MANILA, Philippines — Ganap nang bagyo ang binabantayang LPA sa kanluran ng southern Palawan at pinangalanang Romina ng PAGASA.
Sa ngayon lumakas pa ito at nasa labas pa rin ng PAR ang sentro ng bagyo.
Nabatid na sa kauna-unahang pagkakataon mula noong 1963, nagbigay ng lokal na pangalan ang PAGASA para sa tropical cyclone na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Binigyan ng pangalan ang tropical depression sa West Philippine Sea na ‘Romina’.
Ito ay kasunod ng pagtataas ng wind signal No. 1 sa Kalayaan Islands na matatagpuan sa labas ng PAR.
Batay sa latest report ng PAGASA, pinagsamang epekto ng bagyo at ShearLine ang inaasahang magdadala ng mga pag-ulan sa MIMAROPA, Bicol Region at ilang bahagi ng CALABARZON at Eastern Visayas.
Alas-11 ng umaga nang mamataan si ‘Romina’ na nasa 365 kilometers south ng Pag-asa Island, Kalayaan, Palawan at kumikilos pa-north northeastward ng 30 kilometers per hour (kph).
May taglay itong lakas na 55 kph malapit sa gitna.
Asahan din ang malalakas na hampas ng alon hanggang 4.5 meters sa seaboards ng Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Norte, at Kalayaan Islands.
Pinag-iingat ang lahat sa banta ng baha at landslide na dala ng sama ng panahon.