MANILA, Philippines — Walang ginagawang loyalty check si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).
Inihayag ito ng Pangulo matapos ang banta ni Vice President Sara Duterte na ipapatay ang punong ehekutibo.
Katunayan, sinabi ni Pangulong Marcos na hindi niya alam ang termino na loyalty check at kung paano ginagawa sa PNP at AFP.
“Hindi ko naiintindihan ang term na ‘yan because I don’t know how you conduct a loyalty check. At least not when you call a command conference. Because in the military, the police, we don’t have that,” wika niya.
Naririnig lamang aniya niya ang ganitong isyu sa media kaya nagtataka siya kung ano ang ibig sabihin ng loyalty check.
“Wala kaming ganoon, I only hear it in the media. So I was just wondering how do you define a loyalty check? Anyway, it’s just a stupid question,” giit pa ni Marcos.