MANILA, Philippines — Nadagdagan pa ang mga gamot na in-exempt ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa value added tax o VAT.
Kabilang dito ang cancer medicines na Degarelix at Tremelimumab.
Habang sa diabetes ay Sitagliptin at Linagliptin.
Para sa may iniindang sakit sa mental health, VAT-free na rin ang Clomipramine Hydrochloride, Chlorpromazine, at Midazolam.
Noong Enero ay inilibre na sa buwis ang 21 gamot sa cancer, diabetes, at hypertension. Noong Marso ay 20 pang gamot at panibagong 15 noong Agosto.
Ang cancer at diabetes ang ilan sa nangungungang sanhi ng kamatayan sa bansa na dahil sa may kamahalan ang mga gamot ay hindi kayang bilhin ng mahihirap.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., patuloy na susuportahan ng BIR ang pagsisikap ng gobyerno na tulungan ang publiko na magkaroon ng access sa mas abot-kayang pangangalagang pangkalusugan at gamot.