MANILA, Philippines — Pawang kasinungalingan ang mga naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na ginamit ng kanyang tanggapan ang ‘confidential fund’ para sa kanilang trabaho, national security at pag-angat ng pamumuhay ng Pilipino.
Ito ang sinabi ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation (PAPA) Secretary Larry Gadon dahil maituturing na itong ‘duplications” sa responsibilidad at trabaho ng iba pang goverment agencies sa ilalim ng Office of the President.
Ayon kay Gadon, mas dapat na ipaliwanag ni Duterte ang libu-libong indibiduwal na walang records mula sa Philippine Statistics Authority subalit tumanggap ng pera mula sa confidential funds.
“Poverty alleviation and national security. She is not the DSWD. She is not the Armed Forces of the Philippines, the National Defense, or the Philippine National Police. It’s really strange where the millions of her confidential funds goes,” ani Gadon.
Sa katunayan aniya, hindi rin tungkulin ni VP Sara na mamahagi ng confidential funds. Ang trabaho ni VP Sara ay tulungan ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Payo ni Gadon kay VP Sara, magbitiw na lamang ito kung may ‘delicadeza’ at huwag nang hintayin na ma-impeach.