Malacañang grounds binuksan ngayong kapaskuhan

MANILA, Philippines — Binuksan sa publiko ang Malacañang grounds para sa ngayong pagdiriwang ng kapaskuhan.

Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na bukas ang palace grounds simula kahapon Disyembre 16-23, mula alas-6 ng gabi hanggang alas-11 ng gabi.

Maaari namang dumalo sa misa ang mga katoliko sa nakagawiang Misa De Galo mula Disyembre 16-24, dakong alas-4 hanggang alas-5 ng umaga.

Matapos ang Misa, ay maaaring kumain ang mga deboto at uminom ng mainit na tsokolate mula alas15 hanggang alas-6 ng umaga.

Maaari rin makanood ang publiko ng Christmas display kada alas-6 ng gabi habang mayroon din free carnival rides hanggang alas-11 ng gabi.

Show comments