MANILA, Philippines — Tumaas sa 1.97 milyon ang mga Pinoy na walang trabaho nitong Oktubre batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayon kay PSA chief and National Statistician Claire Dennis Mapa na ang mga jobless individuals ay nasa mula 15 taong gulang pataas.
Anya, ang jobless Pinoy noong Oktubre ay mas mataas sa 1.89 million unemployed persons noong nagdaang Setyembre pero mas mababa naman sa 2.09 milyon sa kaparehong buwan ng Oktubre noong 2023.
Sa percentage ng 50.12 million Filipinos ng Labor force, ang bilang ng jobless Pinoy ay umaabot sa 3.9% taas nitong Oktubre mula sa 3.7% noong Setyembre.
Samantala, bumaba naman ang bilang ng mga employed individuals sa 48.16 million nitong Oktubre mula sa 49.87 million noong Setyembre.