2 Pinoy dedo sa sunog sa Kuwait

Base sa ulat ng Department of Migrant Workers (DMW), nasawi ang mga biktima matapos makalanghap ng toxic gas mula sa sunog noong Disyembre 2.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang Pinoy sa naganap na sunog sa Al Adan, Kuwait.

Base sa ulat ng Department of Migrant Workers (DMW), nasawi ang mga biktima matapos makalanghap ng toxic gas mula sa sunog noong Disyembre 2.

Hindi naman tinukoy ng DMW ang pangalan ng mga biktima.

Sinabi pa ng DMW na inaasikaso na ng Migrant Workers Office sa Kuwait ang repatriation ng mga labi ng dalawang Pinoy.

Nabigyan na rin anila ng tulong-pinansiyal ang pamilya ng mga biktima sa Capiz.

Show comments