57-anyos retirement age ng pulis aprub sa House panel

The Manila Police District commenced the deployment of thousands of police to different cemeteries in Manila on October 31, 2024.
STAR/ Edd Gumban

MANILA, Philippines — Pinagtibay na ng House panel ang panukalang nagtataas ng compulsory retirement age ng mga officers at non-officers ng Philippine National Police (PNP) sa 57-anyos mula sa 56.

Ang House Bill (HB) 11140 ay inaprubahan ng House Committee on Public Order and Safety na nagaamyenda sa Republic Act (RA) 6975 o mas kilala bilang Republic Act (RA) 6975 o mas kilala bilang Department of Interior and Local Government Act of 1990.

Sinabi ni Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez, committee chair, ang panukalang palawigin pa ng isang taon ang pagreretiro ng mga pulis ay upang mapalakas pa ang law enforcement operations.

“Ang pagpapalawig ng mandatory retirement age para sa PNP ay makakatulong upang matugunan ang pangangailangan ng a­ting bansa para sa mga pulisya na may malawak na karanasan sa pagpapatupad ng mga batas.

Ayon naman kay Atty. Ricardo Bernabe III, National Police Commission Vice Chairperson at Executive Officer, ang panukalang retirement age ay dapat nakalinya rin sa internasyonal na mga praktis.

Sa ibang mga bansa tulad sa United Kingdom, Vietnam at Australia, sinabi nito na 60-anyos ang retirement age.

Sinuportahan naman ng Civil Service Commission (CSC) ang nasabing panukala kung saan ang nasabing amyenda sa retirement age ay iginiit na dapat kapareho sa mga military personnel sa ilalim ng Republic Act (RA) 11939.

Inihayag ni Major Gen. Edgar Alan Okubo na ang nasabing panukala ay magbibigay ng karapatan sa puwersa ng pulisya na higit pang magamit ang kanilang mga kakayahan at karanasan.

Show comments