Sulong Mga Batang Quiapo party-list pasok sa botante sa 2025 polls

Workers install tarpaulins at the Commission on Elections-National Capital Region (Comelec-NCR) office in San Juan City on Sept. 30, 2024 as they prepare for the arrival of city representative aspirants who will file their certificate of candidacy on October 1, the first day of COC filing.
The STAR / Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Umarangkada ang baguhang party-list group na Sulong Mga Batang Quiapo bilang isa sa mga napupusuan ng mga botante sa darating na May 2025 mid-term elections.

Batay sa isinagawang survey ng customer-centric market research na Tangere mula November 13-16, nasa ika-20 puwesto ang party-list ng mga market vendors na Sulong Mga Batang Quiapo na may 1.07 percent voter preference, na nakakuha ng malaking suporta mula sa mga botante ng Metro Manila.

Dahil sa pamamayagpag na ito, marami ang humanga sa nakuhang suporta ng Sulong Mga Batang Quiapo kung saan inaasahang makakasungkit ito ng puwesto sa pinaglalabanang 44 upuan sa Kongreso sa 2025 elections.

Binuo ang Sulong Mga Batang Quiapo upang isulong ang kapakanan at protektahan ang karapatan ng mga market vendors sa buong bansa. Kabilang sa mga programa nito ang pagbibigay ng skills training at legal aid sa mga market vendors upang matiyak na makakamit nila ang socioeconomic security.

“Bahagi kami ng pakikibaka at tagumpay ng mga market vendors. Kung mabibigyan ng pagkakataon na magsilbi sa Kongreso, tinitiyak namin na kami ang magiging boses nila sa national level,” sabi ng grupo.

Naka-sentro ang Tangere survey sa mga adhikain ng mga party-list groups, partikular sa kung sino ang nakatuon sa mga marginalized sector, magsasaka at sektor ng agrikultura.

Show comments