ICC arrest warrant vs Duterte inaabangan

This Facebook post from Sept. 21, 2024 shows former President Rodrigo Duterte during the national assembly of the Partido Demokratiko Pilipino in Davao City.

Matapos isyuhan Israel PM Netanyahu

MANILA, Philippines — Binalaan ng Akbayan Partylist si dating Pa­ngulong Rodrigo “Digong” Duterte na maghanda na sa arrest warrants ng International Criminal Court (ICC) matapos isyuhan na ng warrants sina Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu at Defense Minister Yoav Gallant dahil sa “war crimes” sa Gaza.

Kasabay nito, hinikayat ni Akbayan Partylist Rep. Perci Cendan?a si Digong na ihanda na ang kaniyang mga bagahe o maleta.

Ayon naman kay Akbayan First Nominee Atty. Chel Diokno, pinaiigting ng ICC ang batas laban sa mga tinaguriang “world’s tyrants and mass murderers”.

“If Netanyahu and Gallant are not immune, then neither is Duterte,” punto ni Diokno.

“Duterte’s dare for the ICC to arrest him may soon become ­reality. The issuance of warrants against Netanyahu and Gallant shows that pending cases, including his, are progressing. The world is watching, and we will not let his thousands of victims be forgotten,” pahayag ni Diokno.

Noong Setyembre 2021, inawtorisa ng ICC ang imbestigasyon sa “ crimes against humanity” sa madugong giyera kontra droga ng nakalipas na administrasyon mula Nobyembre 2011 hanggang Marso 2019.

Samantalang bagaman inihayag ng admi­nistrasyon ni Pangulong Marcos na hindi ito makiki­pagkooperasyon sa imbestigasyon ay sinabi naman ng Department of Justice na hindi haharangin ang Interpol na arestuhin ang mga ICC suspects sa ilalim ng kasunduan nito sa korte.

Show comments