Ofel humina, Pepito ­pumasok na sa PAR

Bago ito, nag-landfall si Ofel sa Baggao, Cagayan 1:30 ng hapon, kahapon.
PAGASA

MANILA, Philippines — Humina ang bagyong Ofel nang magsimulang tumaas ang interraction sa Landmass ng Luzon.

Bago ito, nag-landfall si Ofel sa Baggao, Cagayan 1:30 ng hapon, kahapon.

Alas-2 ng hapon kahapon, ang sentro ni Ofel ay namataan ng PAGASA sa layong 50 km silangan ng northeast ng Tuguegarao City, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na 175 kph at pagbugso na 240 kph.

Signal no. 4 sa Babuyan Islands, northern at eastern portions ng mainland Cagayan at ­northeastern portion ng Isabela.

Ngayong Biyernes, si Ofel ay inaasahang nasa layong 160 km kanluran ng Itbayat, Batanes.

Samantala, ipinag-utos na ni Office of Civil Defense (OCD) Operations Service Director Cesar Idio ang pagsasagawa ng preemptive evacuation sa mga ‘high risk areas’ sa Regions 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, 5, 6 at 7 kaugnay ng ­nagbabadyang paghagupit ng bagyong Pepito na pumasok na sa Philippine Area of Responsibiliuty (PAR).

Sa pamamagitan nito ay mapaghahandaan na bago pa man ang hagupit ni Pepito na inaasahang magla-landfall sa Nobyembre 16-17.

Show comments