Bong Go sa DMW: Linya 24/7 para sa OFWs, panatilihin

MANILA, Philippines — Hinimok ni Senator Christopher “Bong” Go ang Department of Migrant Workers (DMW), gayundin ang attached agencies nito, gaya ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na panatilihing bukas 24/7 ang linya nito para sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa para matiyak na madali silang matutulungan sa oras na kailanganin.

Binigyang-diin ni Go ang mahalagang papel ng mga ahensyang ito sa pagprotekta sa kapakanan ng mga OFW kasabay ng pagsasabing dapat siguruhin ang responsableng paggamit ng pondo at pinalawak na suporta sa healthcare ng OFW at kanilang mga pamilya.

Bilang vice chair ng Senate finance committee, pinasalamatan ng senador ang mga opisyal ng DMW at OWWA sa ginagawang pagtiyak sa kapakanan ng OFWs.

Bilang isa sa mga may-akda at co-sponsor ng batas na nagtatatag ng DMW, sinabi ni Go ang misyon at halaga ng departamento. Inilarawan ito bilang isang “haligi ng suporta” na idinisenyo upang matiyak ang patas na pagtrato, ligtas na kondisyon sa pagtatrabaho, at pag-access sa mga mahahalagang serbisyo para sa lahat ng mga migranteng manggagawa.

Nangako si Go patuloy na suportado ng Senado ang kapakanan ng OFWs.

Show comments