MANILA, Philippines — Hinatulan ng korte na mabilanggo ng 25 taon ang isang graphic artist na nag-utos ng panggagahasa sa mga batang babae sa Pilipinas upang mapanood niya sa pamamagitan ng livestreaming.
Napatunayan ng Paris court na guilty nitong Huwebes si Bouhalem Bouchiba ng pakikipagsabwatan sa panggagahasa sa daan-daang batang babae at sa human trafficking kaugnay sa panonood ng child pornography online.
Si Bouchiba, 59, ay nagtrabaho sa Pixar at Disney animation studios, ang may likha ng blockbusters animated films na “The Incredibles” noong 2004 at “Ratatouille” .
Umamin sa korte si Bouchiba na nagsabing, “I am aware of everything I did. I ask the victims’ forgiveness.”
Pinagsabihan siya ng tagausig na bilang graphic artist ay nakapagpasaya siya ng mga bata na sa kabila naman nito ay isa siyang pedophile na nagtanghal sa sarili niya sa mga horror movies.
Nahatulan siya dahil sa ginagawang pagbabayad sa kababaihan sa Pilipinas na binibigyan ng instruction sa gagawing rape at sexual assault sa mga batang babae habang naka-live stream o na pinapanood niya.
Bawat show ay nasa 50 hanggang 100 euros ($54-$108).
Nadiskubre ang krimen nang pagdudahan ng Europol o European Union’s law enforcement agency ang mga money transfer na ipinapadala sa Pilipinas ni Bouchiba.
Oktubre 4, 2021 ay dinakip si Bouchiba sa Estados Unidos at ipina-extradite sa France.
Si Bouchiba ay nahatulan ng guilty noong 2009 sa pang-aabuso naman sa kaniyang stepdaughter.