Brunei, Singapore, Malaysia, Indonesia magdedeploy ng air assets para sa relief ops kay ‘Kristine’ – OCD

In this handout photo from the Philippine Coast Guard (PCG) taken on October 23, 2024 and received on October 24, 2024, shows rescuers retrieving the body of a resident in Guinobatan, Albay, following a landslide due to Tropical Storm Trami.
Photo by handout / Philippine Coast Guard / AFP

MANILA, Philippines — Apat na bansa sa Southeast Asia ang magpapadala ng tulong sa Pilipinas para sa mga biktima ng bagyong Kristine sa Bicol Region at iba pang nasalantang mga lugar sa bansa.

Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Adminis­trator Undersecretary ­Ariel Nepomucena kabilang dito ay ang Singapore, Malaysia, Indonesia at Brunei na nangakong magpapadala ng air assets para makatulong sa paghahatid ng relief goods sa mga apektadong rehiyon.

Sinabi ni Nepomuceno na ang Singapore ay magpapadala ng air assets nito para mapabilis ang paghahatid ng relief supplies lalo na sa Bicol Region na malaking bahagi pa rin ng Camarines Sur at Albay ang hindi pa humuhupa ang baha.

“Although, again, hindi natin pro-problemahin iyong family food packs, hygiene kits subalit iyong pagtulong sa atin ng mga ibang bansa namely – automatic iyong tulong ng Brunei, Malaysia, Singapore and Indonesia,” saad ni Nepomuceno.

Una nang nanawagan ng tulong si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., sa mga kalapit na bansa sa ASEAN sa gitna na rin ng matinding pinsalang tinamo sa bagyong Kristine.

Inihayag ni Nepomuceno na ang pagtulong ng nasabing mga bansa sa Pilipinas sa panahon ng kalamidad ay tanda ng isang mabuting pakikiisa sa mga ka-partners nito.

Samantalang ang Singaporean Armed Forces ay idedeploy naman ng Republic of Singapore Air Force (RS C130 transport aircraft para tumulong sa humanitarian relief operations na isinasagawa ng tropa ng militar.

Ang RSAF-C130 aircraft ay magkakaloob ng airlift support para mag-deliver ng humanitarian aid supplies sa mga komunidad na apektado ng paghagupit ng bagyo.

Show comments