RPG pinakawalan ng Philippine, US Marines sa joint drill sa Palawan

Ayon kay 3rd Marine Brigade Spokesperon Capt. Marissa Meriel, ang nasabing military drill ay naglalayong subukin ang kakayahan ng magkaalyadong puwersa ng Marines sa paghawak at paggamit ng mabigat na weapon system.

MANILA, Philippines — Nagpakawala ng rocket weapons ang Philippine at US Marines sa karagatan ng Palawan paharap sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS) sa isinasagawang joint integration drill sa lugar.

Batay sa report, ang Philippine Marine Corps (PMC) 3rd Marine Brigade personnel ay nagpaputok ng Rocket Propelled Grenade (RPG) habang lulan ng coastal patrol kaugnay ng isinasagawang Kaagapay ng Mandirigma sa Dagat (KAMANDAG 08-24) sa Naval Detachment sa Oyster Bay sa Puerto Princesa City, Palawan kamakalawa.

Samantalang ang US Marine Corps (USMC) 1st Battalion, 5th Marines Battalion Landing Team ay nagpaputok naman ng Mutli-Purpose Assaulat Weapon (SMAW), isang shoulder-fired rocket launcher.

Ayon kay 3rd Marine Brigade Spokesperon Capt. Marissa Meriel, ang nasabing military drill ay naglalayong subukin ang kakayahan ng magkaalyadong puwersa ng Marines sa paghawak at paggamit ng mabigat na weapon system.

Nakatakda ring magsagawa ng humanita­rian assistance at disaster response demonstration ang Phl at US Narubes sa OKtubre 20 at pinagsamang arms littorak live fire exercise sa Oktubre 22 sa Burgos, Ilocos Norte.

Isasagawa rin ang counter-landing exercise sa Aborlan, Palawan sa Oktubre 22 na ang scenario ay idepensa ang coastline ng bansa sa mga umaatakeng kalaban.

Show comments