MANILA, Philippines — Binalaan ng mga student council leaders ng ilang colleges and universities ang mga senatoriables na hihikayatin nila ang kanilang mga student-constituents na huwag silang iboto kung susuportahan ang pagbuhay sa mandatory Reserve Officer Training Corps (ROTC).
Sa isang pulong balitaan, kinondena rin ng mga grupo ng mga kabataan ang momentum na nakuha ng mandatory ROTC.
Giit nila, ang talento ng mga mag-aaral ay dapat na hubugin upang tumulong sa nasyon at hindi ihanda para lumaban sa giyera.
“It’s as if students are being prepared for war, but in truth, the Marcos administration just wants us to be reserves for soldiers in the looming war between the United States and China,” giit ni Ceejay Bebis, secretary-general ng National Union of Students of the Philippines (NUSP).
Banta pa nila, hihikayatin nila ang mga kapwa mag-aaral na huwag iboto ang mga senatorial aspirants, reelectionist man o baguhang kandidato, kung susuporta sa mandatory ROTC.
Ani Bebis, “Expect the thousands of student councils in the country to convince each youth voter in the country not to vote for you and we will ensure you will never return to the Senate in 2025 and even in 2028. You’re marked.”
Nabatid na ang panukala ay posibleng maipasa na sa Senado.