MANILA, Philippines — Idineklara ng Palasyo ng Malakanyang na National Pregnancy and Infant Loss Remembrance Day ang Oktubre 15 kada taon.
Ito ay matapos lagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Proclamation No. 700 noong Oktubre 2.
Sa ilalim ng proklamasyon, binabawi nito ang Proclamation No. 586 na nagdedeklara ng Marso 25 kada taon bilang “Day of the Unborn.”
“The new proclamation aims to honor and remember the infants lost during or shortly after pregnancy, and acknowledge the mothers and their families who have suffered through these losses,” nakasaad pa sa proklamasyon.
Inaatasan din ang Department of Health (DOH) na pangunahan, makipag-coordinate at mag-supervise sa mga programa, aktibidad at mga proyekto na may kaugnayan sa okasyon.