MANILA, Philippines — Parehong bumaba ang approval at trust ratings nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice-President Sara Duterte.
Sa pinakabagong Pulse Asia Survey, bumagsak ng 9% ang approval ni Duterte na 60% na lang noong Setyembre kumpara sa 69% noong Hunyo.
Habang sa trust rating ay 10% ang ibinaba ni Duterte mula sa 71% ay nasa 61% na lang.
Ang survey ay ginawa Setyembre 6 hanggang 13.
Samantala, bumaba naman ng 3% ang approval ni Pangulong Marcos mula sa 53% noong Hunyo ay nasa 50% na lamang noong Setyembre.
Bumagsak din ng 2% ang trust ng Pangulo mula sa 52%, naging 50% na lamang sa parehong period.
Nasa 60% naman ang approval rating ni Senate President Chiz Escudero mula 69% noong Hunyo, naging 56%.
Bumagsak din ang approval rating ni Speaker Martin Romualdez ng tatlong porsyento mula sa 35%, naging 32 porsyento na lamang noong Setyembre. Bumagsak din ang kanyang trust rating ng apat na porsyento mula sa 35 at naging 31%.