Pangulong Marcos nakatutok sa kaganapan sa bagyong Julian

Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Bongbong Marcos / Facebook Page

MANILA, Philippines — Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakatutok siya sa epekto ng bagyong Julian habang nananalasa sa northern Luzon.

Sa talumpati ng Pangulo sa pamamahagi ng 4,663 Certificates of Condonation and Release of Mortgage sa mga agrarian reform beneficiaries sa Paniqui, Tarlac, sinabi nitong nakahanda na ang gobyerno na umalalay sa mga biktima ng bagyo.

“Atin pong patuloy na binabantayan ang Bagyong Julian at handang magbigay ng tulong ang pamahalaan sa ating mga kababayang nangangailangan,” sinabi pa ni Marcos.

Pinalalahanan din ng Pangulo ang mga Filipino na mag-ingat ang lahat sa gitna ng pananalasa ng bagyo.

Sa ulat ng PAGASA, naging super typhoon na ang bagyo.

Show comments