MANILA, Philippines — Bilang paggunita sa Araw ng Kagitingan, binigyang pugay at pagkilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga bayani sa bansa kabilang dito ang mga guro, magsasaka at mga healthcare workers.
Sinabi ng Pangulo na binibigyang pugay ang tinaguriang “unsung heroes” na ang kontribusyon ay napakahalaga para sa pagtatag at pagsusulong na bansa tulad ng mga magsasaka, gayundin ng mga wage earners na nagtutulak ng ekonomiya.
Gayundin ang mga guro na humuhubog sa isip ng mga kabataan at mga healthcare workers na nagliligtas ng buhay at ang mga civil servants na rumesponde sa mga pangangailangan ng publiko na siya rin nagpapakita simpleng kabaitan sa bawat Filipino.
Kinilala rin ni Pangulong Marcos ang matatapang na bayani na nakipaglaban para matamasa ang kalayaan ng bansa ngayon.
“From the valiant resistance of Lapu-Lapu against foreign invaders to the revolutionary spirit of Andres Bonifacio and the resolve of the Katipuneros, our rich heritage has been forged in the fires of struggle,” ayon pa kay Marcos.
Tulad din aniya nina Jose Rizal, Apolinario Mabini, Emilio Jacinto at iba pang bayani ay nagpapaalala sa mga Filipino na kailangan na patuloy na makipaglaban para sa magandang kinabukasan.
Nauna nang idineklara ng Malakanyang ang Agosto 26 bilang regular holiday para sa pagdiriwang at paggunita ng National Heroes Day.