Jojo Nones kulong sa Senado

MANILA, Philippines — Kulong sa Senado ang isa sa mga sinasabing umabuso kay Sandro Muhlach matapos ipa-cite in contempt ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada dahil sa pagsisinungaling.

Inaprubahan naman ni Sen. Robin Padilla, chairman ng Committee on Public Information and Mass Media ang mosyon ni Estrada.

Sa pagdinig, itinanggi ni Nones na pinapunta niya si Sandro sa kanyang hotel room sa pamamagitan ng text message.

Pinabulaanan din ni Nones na nilasing at pinagamit nila ni Richard Cruz ng droga si Sandro bago ang umano’y pang-aabuso.

Virtual na humarap sa pagdinig si Sandro kung saan idinetalye niya ang palitan nila ng text messages ni Nones noong madaling araw ng Hulyo 21 matapos ang gala event ng GMA 7.

Show comments